Ms. Toki 2010

r/ilustrado

u/FinnFausto

1 minute read

Noong nag-o-OJT pa ako sa may DOST-ASTI UP Diliman. Share ko na rin yung mga iba ko pang mga nagawa at magagawa sa susunod. :)


Sa sakayan papuntang Katipunan
palaging nag-aabang
jeep na masasandalan
patungo kung saan
   
Naka dungaw sa bintana’t
may nakitang isang diwata
lahat nagkagulo’t
napatulala ako
   
Ang blue blouse at shirt na iyong suot
sneakers na white at short short
paano ko ba malilimot?
sa ganda mo, ako ay nabalot
   
O manong, teka lang
pwede bang bagalan mo lang?
gusto ko siyang pagmasdan
at mag paramdam
   
Lumisan ang mga tao
nagkatabi tuloy tayo
at nalaman ko
magkasing height pala tayo
   
Pwede bang magpakilala?
o badtrip naman
itong katorpehan
umatake nanaman
   
Pwede bang malaman ang number mo?
bakante naman ang puso ko
sana’y ganon din ang sayo
para happily ever after tayo
   
Okay lang, sige lang
kahit walang hintuan
Okay lang, sige lang
kahit walang patutunguhan
   
Sa Math building natapos ang kwento
doon ka at ako dito
sakaling magkasabay muli tayo
pangako sayo
   
magtatapat na ako.