titig

r/kwaderno

u/rockromero

1 minute read

Kahit magdamag kitang tingnan, Hindi ako magsasawa kailanman Bawat pagngiti at pagkunot ng ‘yong noo Nagdadala ng saya sa puso ko Nakatitig lang ako sayo Hinahangaan ka lang sa malayo Ito lang kasi ang pwedeng lugar ko sa mundo Ang pagmasdan ka bawat minuto ng buhay ko Gustuhin ko mang lapitan ka Hindi ko na kailanman magagawa Kasi sa unang hakbang pa lang na gagawin ko Alam kong may nauna na papunta sa tabi mo